literature

tawirin...

Deviation Actions

alfaghor's avatar
By
Published:
194 Views

Literature Text

I
 mahirap ipikit
 kung hindi man makadilat,
 sa mga bagay na sipatin
 pinaghalo-halong kalat..

II
 mahirap gumising
 kung umaga'y kay lamlam,
 kapos sa damdaming
 silay ng gintuing pag-aagam..

III
 mahirap isipin
 kung hindi mo pa alam,
 nariyan ka ngunit
 ako'y dito nag-aabang..

IV
 mahirap kipkipin
 kung masidhing pait ng alapaap,
 sa patak ng mga luha'y
 dilig ng makulimlim mong yakap..

V
 mahirap lakarin
 kung mumunting hakbang ay hamak,
 matibo ng gabuhangin
 sa mabatong putikan nayapak..

VI
 mahirap bilangin
 kung hindi naman kabilang,
 sa bahaging nais
 gamunti man ay husgahan..

VII
 mahirap angkinin
 kung hindi saki'y nararapat,
 ipagpilitang kabig
 salat sa hangi'y hindi sapat..

VIII
 ngunit mahirap limutin
 kung alaala mo'y hagilap,
 pusong nagdurugtong
 pintig sa ibig mong hanap..

IX
 kaya't mahirap man
 ako'y magsusumikap,
 mabahirang hugis
 sing-tamis ng pangarap..

X
 hirap ng dulaan
 sa ilog na tawiran,
 ligaw ng hangarin
 nahulog sa mahal kong punluan...

   —cæle, v.09092014
© 2014 - 2024 alfaghor
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In