literature

patintero...

Deviation Actions

alfaghor's avatar
By
Published:
323 Views

Literature Text

I
 sa larong patintero,
 walang iskor na zero,
 mga guhit na lalagpasan,
 dipang agwat ay hahakbangan..

II
 walang tama lahat ay mali,
 tanong na mahirap man ay madali,
 'yes' or 'no' lang naman ang sagot,
 bakit 'di makuha sa simpleng pindot..?

III
 mga tantsing na yupi-yupi,
 latang tsinelas ay pinag-tagpi-tagpi,
 makipag-agawang beys 'wag sa harutan,
 baka mauwi sa habulang-pikon ang asaran..

IV
 kung ang langit ay lupa't putik ka lang,
 sa impyernong tapak ikaw ay iiwan,
 mga saling pusa man ay nababagabag,
 'pagkat taguan sa dilim ay walang liwanag..

V
 ang mahuli ay ngawa,
 walang dahilan para humingi ng awa..
 ang mataya ay taya,
 kung walang kadena ikaw ba'y malaya..?

VI
 bigas na kanin nalutong malagkit,
 kapag napaso'y iluluwang mainit,
 nag-pitik bulag sa luksong tinik,
 bahay-bahayang pinilit sumiksik..

VII
 hindi lahat sa simbahan ang tuloy,
 tagong baraha'y pang-iwas pusoy,
 doble-karang samu't saring maskara,
 balimbing mang tunay 'di maikukumpara..

VIII
 mga tansang inipon pati panabla,
 prinsesa sa tasa'y ipagpupusta,
 karerang kandirit sa walang baytang,
 mag-ingat sa syatong hampas ay tagibang..

IX
 ang tamaan ay batong malalim,
 bukol man ay tumubong pendong walang iling,
 saluhin ang swerte kontra malas walang bawi,
 sa yapos na kalungkuta'y uhaw mapapawi..

X
 buto't balat nasa loob din ang kaliskes,
 hingal-tibok dalanging walang daplis,
 pulot-gatang damdaming pinag-bigkis,
 ang larong bata simpleng nakaka-miss...

  —cæle, v.26072013
© 2014 - 2024 alfaghor
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In