literature

inaamag...

Deviation Actions

alfaghor's avatar
By
Published:
417 Views

Literature Text

I
 ako ang amag na hindi madampian
 sinisimsim, kinukutya ng may agam-agam,
 aking langhaping may kabulukan
 maduwalduwal itinapon duon sa lansangan..

II
 dito sa basurahang aking tahanan
 mumunti man ay puros kagalakan,
 sa hirap ng buhay na pinagdaraanan
 kaunting tiis para sa pag-asang kinabukasan..

III
 hindi man malinis at medyo magulo
 mga alikabok man ay liparin sa tulugang kwarto,
 iba't ibang insektong laging nangagsisipagdapo
 samu't saring anyo at halong kung anu-ano..

IV
 pagkain kong hiram na panawid ulam
 mga bigas ng kahapong aking pang-umagahan,
 sa platong plastik at papel na binalutan
 kalahating sandok ilinimos lang sa tiyan..

V
 sagad-sagaran hanggang sa buto
 pati balat ko ay tuyong tuyo,
 mga uban man ay naglagas sa ulo,
 kakaisip at kakaplano, alin nga bang tama dito?..

VI
 aking landasing limot sa pananaw
 dunong na taglay ay kapos at uhaw,
 pag-ibig na daing na hindi ko matanaw
 sa ibayong baybayin nasisilaw sa araw..

VII
 mga ngiting may sinag, alab sa damdamin
 gandang iyong taglay ninanais kong silayin,
 taong mag-aabang, pangarap na hintayin
 inaalay kong dasal, bukod tangi, ikaw ang daing..

VIII
 sa puso kong parang isang tsokolate
 na inaamag kapag iyong ipinag-iisantabi,
 kahit na gaano katamis, kahit na libre
 likas kong pagka-torpe iyo sanang mabali..

IX
 tunawin sa haplos, mga dampi ng pagmamahal
 akitin ng lubos itamang mga asal,
 iduyan sa iyong bisig, emosyun man ay pagal
 hakbang man ay bilangin, hantungin sa kasal..

X
 kapag natikman na, kay pait man o kay lapot
 tibok ng mga puso ay parang may kurot,
 kiligin at totohanin ng huwag ng matakot
 sapagkat latak sa ilalim, nagtagong inamag na pulot...

   —cæle, v.10072014
© 2014 - 2024 alfaghor
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In