literature

blanko...

Deviation Actions

alfaghor's avatar
By
Published:
353 Views

Literature Text

I
 ang lapis at papel ay huwag mong titigan
 hindi yan gagalaw ng mag-isa kaibigan
 isulat mo ang iyong pagal na isipan
 at huwag kimkimin ang piit na karamdaman..

II
 'pagkat walang sakit na kayang tiisin
 lalo na't mag-isa mo itong sasaluhin
 gaano man kapayapa ang ihip ng hangin
 ay hindi maitatago ang simoy ng landasin..

III
 ilang beses man ulitin ang pait ng hangarin
 sa labing sarado at tuyong bigkasin
 mga letrang binuhol tinik mong lunukin
 dahil kusang babalik ang awit at dalangin..

IV
 isigaw mo man ang iyong katahimikan
 walang makakarinig sa bulong na iyong iiwan
 ang tuyong mga luha ay iyong punasan
 mga patak at daing ng mutang pinag-ipunan..

V
 ipayapa ang tibok at pintig sa dibdib
 katotohanan mang pilit ay iyong daigdig
 sinakluban man ng langit ang pusang talahib
 hintaying liwanag sa piling ng kuliglig..

VI
 ang pagod na isipan sa antok na lumisan
 ay naglahong panaginip sa dilim ng bakuran
 akyating bakod sana ay iyong iwasan
 pikit na bangungot hinayaang ipagtulakan..

VII
 huwag mong lunurin ang iyong pagka-uhaw
 sa basong mainit at yelong tinunaw
 ang tsokolateng inamag, dinurog at naagaw
 kainin mang pilit parang panis na bahaw..

VIII
 sa init ng araw na may kalamigan
 at buwan na liwanag na may kabilugan
 alaalang magtatanim sa iyong isipan
 lalo na't nalalapit itong pistang bayan..

IX
 ang garapatang pilit mong sinulsihan
 telang binalot para sa kanyang kasiyahan
 at gaano man kahigpit ang taling bigkisan
 mumunting sisidlan ng iyong huling paalam..

X
 'pagkat makulay mong bulaklak na muntian
 may ngiting nagsasambit ng tuwa't kagalakan
 gustuhin mang ibig kahit kaibigan
 ang pasong silayin ay nasa ibang bakuran..

XI
 kaya't iwasang malungkot sa limot ng kahapon
 at malumbay sa duyan ng pag-asang nabaon
 durog na pusong pira-pirasong tinapon
 maling simulain sa tamang pagkakataon..

XII
 iyong iwasto ang lahat, gamutin iyang sugat
 umiwas mang pilit kalungkutang hinagap
 tulalang pagtitig sa blankong sinulat
 tinaboy ng hangin, payong kong alapaap...

   —cæle, v.11092014
© 2014 - 2024 alfaghor
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In